📍 42ND PEOPLE'S CORDILLERA DAY IN METRO MANILA
Kasama ang Climate Change Network for Community-based Initiatives, pati ang iba’t ibang mga makakalikasang organisasyon, sa ika-42 pagdiriwang ng taunang People’s Cordillera Day kahapon ng April 18, 2026 sa Flower Garden, Quezon City Memorial Circle bilang pakikiisa ng mga mamamayan ng Metro Manila sa pakikibaka ng mga katutubo ng Kordilyera para sa kalikasan, karapatan at kabuhayan.
Namahagi ang CCNCI ng mga kopya ng pinakabagong lathalain ng organisasyon na pinamagatang “Kwentuhang Klima: Agroecology at Likas-Kayang Pagsasaka” na isang masinsinang talakayan sa likas-kayang pagsasaka at ang mahabang kasaysayan nito na siyang umusbong ng pagkilos na kumakalaban sa patuloy na pamamayagpag ng mga kumpanya ng kemikal sa industriya ng agrikultura




Comments