𝐊𝐖𝐄𝐍𝐓𝐔𝐇𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐋𝐈𝐌𝐀: 𝐀𝐆𝐑𝐎𝐄𝐂𝐎𝐋𝐎𝐆𝐘 𝐀𝐓 𝐋𝐈𝐊𝐀𝐒-𝐊𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐀 🍃
- May 25
- 1 min read
Matapos ang mahigit kalahating taon ng pananaliksik, ikinalulugod ng Climate Change Network for Community-based Initiatives na itanghal ang pinakabagong lathala nito na bunga ng aming pakikipamuhay sa mga komunidad ng agrikultural na sektor.
Linalaman nito ang mahabang kasaysayan ng agroecology bilang isang pagkilos laban sa namamayagpag na monopolyo ng mga korporasyon ng pestisidyo at kemikal na abono sa produksyon ng agrikultura at binibigyang espasyo ang mga kwento ng mga pangunahing tagapagtaguyod ng likas-kayang pagsasaka.
Ipinapakilala din dito sa publiko ang mga pangunahing hakbang namin bilang isang institusyon upang isulong ang likas kayang pagsasaka sa mas mataas na antas. Hangarin ng CCNCI na paigtingin at pagtibayin pa ang kampanya nito para sa likas-kayang pagsasaka at panagutin ang mga korporasyon na nagpapakalat ng mga agrikultural na produkto na mapanira sa kalikasan.
Higit sa lahat, dala-dala ng CCNCI ang kampanya para sa tunay na reporma sa lupa sapagkat walang saysay ang teknolohiya ng ating mga ninuno kung walang lupa ang ating mga magsasaka at kumakalam ang kanilang tiyan.




























































































Comments