top of page

KABUHAYAN SA BASURA, IPINAGKAIT PA!



Idineklara ni Manila City Mayor Isko Moreno sa kaniyang unang araw sa opisina ang state of health emergency na kaniyang iginiit ay dahil sa krisis sa basura mula sa mga hindi nabayarang kontraktor ng garbage collection.


Bilang solusyon sa problema ng basura sa Maynila, ginawang priority project ng administrasyong Marcos Jr. at ng lokal na pamahalaan ni Isko Moreno ang isang 6-hectare waste-to-energy facility na nagkakahalaga ng $26 billion na inaasahang iproseso ang mahigit 3,000 tonelada ng basura kada araw mula sa iba’t ibang mga lungsod ng Metro Manila.


Ipinakita ng datos mula sa Global Alliance for Incinerator Alternatives (GAIA) na mahigit 55,000 na residente mula sa Barangay 105, 128, at 129 ang mawawalan ng kanilang tirahan at kabuhayan. Ipinaliwanag ni Maria Teresa, isang lider ng mga kababaihang maralita, ang iba’t ibang mga kabuhayan na maapektuhan ng pagtatayo ng proyektong waste-to-energy.


Karamihan sa mga trabaho na makikita sa loob ng Aroma ay ang pagbebenta ng kanilang lakas-paggawa para mapadali ang trabaho ng mga naglalakihang kumpanya. Bagamat napapadali nila ang linya ng produksiyon, barya-barya lamang ang kaniyang kinikita at labis na hindi ito nakakabuhay.


Panawagan ni Maria Teresa, “sana ay hindi na namin kailangan mamuhay sa basura at magkaroon ng pormal na trabaho para sa mga anak namin na gusto namin mapagtapos sa pagaaral at makakain ng maayos.

Comments


CCNCI

Climate Change Network for Community-based Initiatives

+63 2 8818 0069

bottom of page